Sa pagdaan ng panahon, paikli na nang paikli ang life expextancy o haba ng buhay ng tao. Hindi kagaya noong unang panahon na umaabot ng mahigit sa 100-taon ang buhay ng tao. Dahil dito ay nagkakaroon ng kamalayan ang mga tao kung paano mas mapapahaba ang buhay. Maraming katangian at bagay na dapat gawin para magkaroon ng mahabang buhay at isa na rito ay ang pagkakaroon ng tamang diet. Gayunman, isa lang ito sa “factors” na tinitingnan ng madami. Narito ang ilang paraan para humaba ang iyong buhay:
Kontrolin ang iyong bibig – Iisa lang ang sekreto ng mga “centenarians” o ‘yun mga taong umaabot ng 100-taong gulang o mahigit pa. Ito ay ang pagkain ng kaunti lang pero medyo madalas. Sa ganitong paraan kasi ay tinuturuan mo kasi ang iyong bituka na hindi lumobo ng husto at masanay na kakaunti lang ang laman nito. Ang ganitong sistema rin ng pagkain ay tumutulong para mapanatili ang magandang lebel ng blood sugar sa iyong dugo. Mas mabuti rin kung hindi mo na paaabutin pa ang iyong tiyan sa pakriamdam na gutom na gutom na ito, dahil tiyak na mapaparami ang iyong kain at malalagyan ng mga hindi importanteng calories ang iyong katawan.
Kainin ang gulay na iyong tanim – Sa isang pag-aaral, lumabas na kaya maraming centenarians na nakatira sa bulubunduking villages ng Sicily ay dahil mas marami silang kinakain na gulay, prutas at grains dito na kanilang tanim mismo sa kanilang kapaligiran. Kakaunti lang ang kinakain ng mga tao dito na red meat at matatamis na pagkain. Ang mga pagkaing gaya ng gulay at prutas ay mayaman sa antioxidants at phytochemicals. Sa mahabang panahon ay napatunayan ng mabisang panlaban sa pagtanda at pagkakasakit ang pagkaing ito. Mas mabuti kung ang kakainin ay mga berdeng gulay at mga kilalang superfoods na blueberries, nuts, broccoli at sweet potatoes o kamote.