Alam n’yo ba na 3.0 libra lang ang bigat ng utak ng tao? 75% naman ng utak ay tubig. Ang utak ni Albert Einstein ay inalis sa kanyang ulo pitong oras matapos siyang mamatay. Isinagawa ito ng Princeton pathologist na si Thomas Stolz Harvey. Hinati-hati ni Harvey ang utak ni Einstein sa 240 blocks at kinuha rin nito ang mata ng nasabing Scientist at ipinamigay sa nangangailangan nito. Ipinamigay din ni Harvey sa mga sikat na pathologist ang naturang utak. Dahil dito ay nasibak sa Princeton Hospital si Harvey. Bukod kay Einstein, ipriniserba rin ang mga utak nina Vladimir Lenin at ang German mathematician na si Carl Friedrich Gauss.