Panaginip: Noong una ay nakita kong nakaburol ang aking bunsong anak. Naulit ang panaginip isang gabi, may nakaburol ulit, hindi ko nakita kung sino ang nasa loob ng kabaong ngunit ang nasa isip ko ay ang bunso ko ang nakaburol. – Ed Nario
Interpretation: Ang panaginip mo ay hindi tungkol sa literal na kamatayan ng iyong anak. Ang iyong anak ay representasyon lamang ng iyong childish behavior or immature belief na kailangan mo nang baguhin. Isa pang interpretation, maaaring ang iyong anak ay nagsisimula nang “tumigas ang ulo”, ang pakiramdam mo ay parang nagkakaroon ng pagitan ang inyong relasyon at ito ang sinisimbolo ng “death” ng father-child relationship. Natatakot ka na may mangyari sa kanyang masama dahil sa katigasan ng kanyang ulo.