Alam n’yo ba?
Alam n’yo ba na natuto ng magsulat ang tao sa pagitan ng 7th millennium BC – 4th millennium BC? Ang pagsusulat ay pagpapatunay na noong unang panahon pa lamang ay nais nang mga tao na may maiwang kasaysayan sa kanilang panahon. Ang pag-uukit sa bato ang kilalang pinakamatandang pamamaraan ng pagsusulat. Pero, ang kahoy naman ang unang itinuring na libro bilang sulatan. Sa mga Chinese naman, ang unang ginawang sulatan nila ay ang kawayan. Dahil malikhain din ang mga tsino, maging ang telang silk ay nagawa rin nilang sulatan. Gumagamit sila ng brushes para ipinta sa silk ang anumang nais nilang isulat. Sa India, ang pinatuyong dahon ng palm tree ang kanilang ginagamit na papel.
- Latest