^

Para Malibang

Kahalagahan ng almusal (1)

Pang-masa

Maraming nag-aakala na isang epektibong paraan upang ikaw ay pumayat ay ang hindi pagkain ng almusal. Naiisip kasi nila na sa pamamagitan ng pagbabawas ng pagkain ay papayat na sila. Pero sa totoo lang, hindi magandang ideya ito dahil simula pa lang ng araw ay manghihina ka na dahil ikaw ay gutom. Isipin  mo na lang, paano kung mayroon kang mabigat na gagawin simula pa lang ng araw? Ang agahan din kasi ang nagbibigay sa’yo ng enerhiya o energy na siyang nagpapataas ng iyong kakayahan at pagnanais na tapusin ang lahat ng iyong gawain sa isang araw.

Kapag kumain ka ng breakfast, naililigtas mo rin ang iyong sarili mula sa sobrang pagkagutom at panginginig ng iyong katawan. Mas madodoble ang iyong kain kung simula pa lang ng araw ay gugutumin mo na ang iyong sarili. Maging ang iyong utak ay hindi gagana ng maayos dahil ang tumatakbo rito ay ang nararamdaman ng iyong tiyan. Kaya sa halip na maging produktibo ay iinit ang iyong ulo dahil sa gutom na nararamdaman hanggang sa ikaw ay manghina. Kaya kung nais mag-diet, hindi ang almusal ang dapat na alisin sa iyong listahan. Kundi ang mga tinatawag na in-between meals na wala naman nakukuhang nutrisyon.  Kung hindi ka rin sanay na kumain ng almusal mas mabuting subukan ang mga sumusunod:

Maghanda ng almusal ng mas maaga sa karaniwang oras – Bakit hindi subukang gumising ng mas maaga para makakain ng almusal.  O kaya, gabi pa lang ay ihanda na ang iyong recipe sa iyong lutuan para paggising ay sisindihan mo na lang ang iyong kalan.

 

Simulan sa maliit – Kung hindi pa kaya na kumain ng marami sa umaga, bakit hindi mo simulan sa pagkain ng maliit na pagkain. Kumain ng kahit na isang tasang yogurt o isang piraso ng prutas. Kapag sanay ka na, dagdagan ng paunti-unti ang iyong kinakain hanggang sa masanay na ang iyong tiyan na may laman sa simula pa lang ng araw.

Lumikha ng routine - Pumili ng isang pares ng pagkain na maaari mong kainin tuwing umaga. Ito ay upang maiwasan mong mairita o mainis sa pag-iisip kung anong kakainin mong almusal.
Ang isang balanseng almusal ay binubuo ng tatlong pangunahing mga grupo ng pagkain: isang protina o ng isang malusog na fats, ng prutas o veggie, at grain. Kahit na maraming madaling ihandang pagkain tulad ng siryal, siguraduhin pa rin na mabibigyang-pansin ang mga pagkaing masustansiya at nagbibigay ng enerhiya.

 

ALMUSAL

BAKIT

ISANG

ISIPIN

IYONG

KAPAG

KAYA

LANG

PAGKAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with