Nawala na ba ang dating ‘init’ ng inyong pagmamahal. Natural lang ‘yan. Dumarating talaga sa isang tao ang medyo nawawalan ng gana sa sex. Sa katunayan, ayon sa isang artikulo sa health.com, higit sa kalahati ng mga babae at 15% ng mga lalaki ang nawawalan ng gana sa regular na sex, base sa isang research. Kung nangyayari ito sa inyo ngayon, ‘di dapat mag-alala dahil may mga bagay na puwedeng gawin para buhayin uli ang inyong sexual desire.
Kailangan lamang ng kaunting adjustment sa inyong lifestyle upang mabalik ang dating ‘init ng pagmamahal. Narito ang mga suhestiyon ng mga experto ayon sa health.com
Mag-exercise palagi - Hindi lang sa kalusugan ang pakinabang ng pag-e-exercise. Malaking tulong din ito sa ating sex life. Bawas stress, mas magandang mood, mataas na self esteem.
Kapag mayroon ka nito ay mas aangat ang iyong sex drive. Sa katunayan sa isang pag-aaral, natuklasang ang tatlong 30-minute exercise kada-linggo ay nagpapataas ng sexual satisfaction. Sa ginawang research, kumuha ng mga babaeng umiinom ng anti-depressants na kadalasan ay may side effect sa pagbaba ng libido.
Pinag-exercise sila ng tatlong beses isang linggo at nag-improve ang kanilang sex drive. Kaya importante ang pag-e-exercise hindi lamang sa kalusugan kundi pati na rin sa sexual health.
Suriing mabuti ang inyong katawan/kalusugan - Kapag bumababa ang sex drive, maaaring isang sintomas ito ng isang seryosong karamdaman. Kung bumaba ang libido kasabay ng mga pagbabago sa inyong katawan, huwag balewalain ito.
Obserbahan kung nananaba o nagda-dry ang balat o naglalagas ang buhok o madaling mapagod - Maaaring mayroon kang thyroid problem. Isang simpleng drug test ang kukumpirma nito at gagaling ito sa pag-inom ng gamot. Ang pagbaba ng libido ay may kaugnayan sa iba pang karamdaman kabilang ang depression at chronic fatigue.
Kung sa likod ng pagbabago ng inyong lifestyle ay walang improvement ang inyong sex drive, may mga gamot namang puwedeng makatulong ngunit ikonsulta muna ito sa inyong pinagkakatiwalaang doctor.