Natatakot na baka Buntis

Panaginip: Nagsagawa ako ng pregnancy test dahil one week na akong hindi dinadatnan ng “buwanang dalaw”. Kaso walang lumabas na resulta sa pregnancy kit. Sa isip ko, baka nabuntis ako ng boyfriend ko. In real life, dalaga ako, 21 years old, virgin at no boyfriend since birth. – NBSB

Interpretation: Nakakaranas ka ngayon ng insecurity. May mga tao bang nagpapadama sa iyo na hindi ka karapat-dapat sa isang promotion or reward? O, kaya, nakatakda kang dumaan ka sa isang test kung saan susubukan ang iyong kakayahan. At ninenerbiyos ka na baka hindi mo ito maipasa.

Show comments