Pamalit sa karne Last part

7. Sunflower Seeds – 21g per 100g - Ang sunflower seeds ay mayaman din sa protina kahit sa konting pagkain nito. Hindi lang dahil  sa protina nito ito nakakatulong bagkus nakakababa rin ito ng lebel ng cholesterol. Taglay din nito ang selenium na makakatulong upang maiwasan ang cancer. Karanggo ng sunflower seeds ang salmon at sirloin steak kung protina ang pag-uusapan.

8. Tempeh – Ang tempeh ay gawa sa soy na makakatulong sa cardiovascular sa pamamagitan ng fermentation nito. Kinakitaan din ito ng anti-cancer properties.

9. Quinoa – Kilala ito dahil sa healthy elements at pagiging gluten-free nito. Mayaman Ang quinoa sa protina at amino acid na kailangan ng ating katawan. Ang mga benepisyo ng pagkain ng quinoa ay nakakababa ng cholesterol, blood pressure, at lebel ng blood sugar. Mainam itong pamalit sa kanin at pasta kahit na ito ay mayaman sa protina, fiber, at minerals.

Show comments