^

Para Malibang

Kung ikaw ay mamamasyal (3)

Pang-masa

Ito ay ikatlong bahagi ng paksa kung paano bumiyahe sa malayong lugar ng hindi ka makukunsumi. Narito pa ang ilang tips:

Hindi pananamit ng tama – Bago mo ilagay sa maleta ang iyong mga damit, dapat na pag-aralan mo munang mabuti ang “fashion” at klima ng lugar na iyong pupuntahan. Kung malamig sa lugar, siyempre, dapat na panlamig na damit ang iyong dadalhin. Kung “summer” naman, hindi ka dapat na magdala ng jacket dito. Higit sa lahat, dapat kang magdala ng damit na hindi mo mababastos ang mga tao sa lugar na iyong pupuntahan. Baka naman labag sa kanilang tradisyon ang magsuot ng sleeveless at shorts. Kaya hindi ka dapat magdala ng mga ganitong uri ng damit.

Paggamit ng credit/debit card ng hindi alam ng bangko – Kahit nasaan ka pa, kung biglang ide-decline ang iyong card, talaga naman maba-bad trip ka. Bagama’t puwede naman magreklamo sa iyong bangko sa pamamagitan ng pagtawag sa telepono, hindi pa rin ito magiging madali sa’yo lalo pa kung ikaw ay nasa abroad. Kaya bago pa man mag-take-off, tawagan mo muna ang iyong bangko at tiyaking gagana ang iyong card kahit nasaang planeta ka man.

Ihanda ang mga ‘chargers’ at ‘converter’ – Kapag naiwan mo ang charger ng iyong mga gadgets at electricity converter, parang iniwan mo na rin ang iyong camera, cell phone at computer sa iyong bahay.  Kaya kung gagawa ng listahan ng mga dadalhin sa maleta, isama ang mga ito.

BAGAMA

HIGIT

IHANDA

IYONG

KAHIT

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with