^

Para Malibang

Kapag ikaw ay malungkot

Pang-masa

May mga panahon na ikaw ay malungkot at nakararanas ng depresyon sa hindi mo malamang dahilan. Ngunit minsan hindi mo alam na maaari mo naman itong agad solusyunan. Bakit hindi mo subukan na kumain ng mga tinatawag na “happiness food”? Narito ang ilang uri ng pagkaing ito:

Chocolate – Mahusay din na pantanggal lungkot ang pagkaing ito dahil sa mataas  na level ng endorphin. Ito ang natural na pagkain ng utak na siyang magpapasaya sa’yo.

Protina – Hindi ka dapat ma-guilty sa pagkain ng  mga pagkaing mataas sa protina.  Ang amino acid na ‘tyrosine” ay kilala sa produksiyon ng “norepinephrine” at “epinephrine” na siyang magpapalakas ng iyong alertness at energy level.  Kumain ka ng isda, itlog, karne, keso at uminom ng gatas. Maging ang mga pagkaing mayaman sa carbohydrates ay nagdudulot ng “good hormone” na tinatawag na serotonin. Sa pag-aaral lumalabas na kaya minsan nakakaramdam ng depresyon ang isang taong nagda-diet ay dahil sa biglaang pagbaba ng carbohydrates sa kanyang katawan at nagreresulta rin ito ng pagkawala ng serotonin.  Kaya kung nagda-diet ka at bigla kang nalungkot, kumain agad ng kanin, cereal, tinapay, saging, mansanas at peras. Tiyak na muli kang magiging masaya.

Caffeine – Ang mga pagkain at inumin na may sangkap na caffeine  gaya ng kape at tea ay makakatulong sa’yo dahil nagtataglay ito ng antidepressant na siyang kayang sumugpo sa mild depression na iyong nararamdaman.

BAKIT

KAYA

KUMAIN

MAHUSAY

NARITO

NGUNIT

PROTINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with