Nawala na ba ang dating ‘init’ ng iyong pagmamahal? Natural lang ‘yan. Dumarating talaga sa isang tao ang medyo nawawalan ng gana sa sex.
Sa katunayan, ayon sa isang artikulo sa health.com, higit sa kalahati ng mga babae at 15% ng mga lalaki ang nawawalan ng gana sa regular na sex, base sa isang research.
Kung nangyayari ito sa inyo ngayon, ‘di dapat mag-alala dahil may mga bagay na puwedeng gawin para buhayin uli ang inyong sexual desire.
Kailangan lamang ng kaunting adjustment sa inyong lifestyle upang mabalik ang dating ‘init’.
Narito ang mga suhestiyon ng mga experto ayon sa health.com
Mag-relax- Araw-araw ay nai-stress tayo.
Sa trabaho, sa mga anak, sa bahay at kung anu-ano pa. Hindi n’yo man napapansin, naaapektuhan ang ating sex life kapag nai-stress tayo.
Kapag nai-stress, mas naglalabas ang ating katawan ng “fight o flight” hormone na cortisol, na kaunti lang ang kailangan ng ating katawan pero naaapektuhan nito ang libido kapag napaparami.
Gumawa ng paraan para ma-relax ang sarili bago humiga sa kama.
Manood muna ng TV, magbasa-basa, kape-kape, facebook, one-or-two bottle ng beer at kung anu-ano pang puwedeng gawin para ma-relax.
Tapos maligo bago tumabi sa inyong partner.