Masayang pagsasama, depende kay misis? (1)
Masarap at madali ang magpakasal ngunit mahirap ang manatili itong maayos at buo. Sa isang pag-aaral sa Rutgers University at University of Michigan, lumalabas na ang kakontentuhan ng mga lalaki sa isang pagsasama ay depende sa kasiyahan, reaksiyon at aksiyon ng kanyang misis sa kanilang relasyon.
Ayon kay Deborah Carr, isang professor sa Department of Sociology, School of Arts and Science sa Rutgers University, kapag kontento at masaya ang isang babae sa kanilang pagsasama ng kanyang asawa, tiyak na mas madami siyang naisasakripisyo at nagagawa para sa kanyang mister o sa buong pamilya, kung saan nagkakaroon naman ito ng positibong epekto sa kanilang buhay.
Hindi kagaya ng mga lalaki, aniya, hindi lahat ng lalaki ay nagpapahayag ng kanilang tunay na saloobin hinggil sa kanilang relasyon at marami ang hindi na lang nagsasalita at hindi ipinapakitang hindi sila masaya sa kanilang pagsasama.
Nagsagawa ng survey ang nasabing unibersidad sa mga mag-asawa at lumabas na mataas pa rin ang average ng “life satisfaction” dahil sa pagpapakita ng interes ng mga mister sa kanilang marriage life kumpara sa mga misis. (Itutuloy)
- Latest