Alam n’yo ba na ang pangkaraniwang dates palm (Phoenix dactylifera) ay nabubuhay sa mga lugar na sobrang init? Para dumami ang dates palm, kailangan i-pollinate ito ng kamay. Ang babae at lalaking date palm ay sabay na palalakihin bilang magkaibang puno at ang isang lalaking puno ng dates palm ay sapat na para mapamunga nito ang 50 babaeng puno ng dates palm. Ang “Arrack” o “Arak” ay isang matapang na alak mula sa Middle East at Asia at ito ay gawa mula sa katas ng dates. Mara-ming naniniwalang historians na ang almond at dates ay kapwa nabanggit sa lumang Tipan ng Biblia kaya nagpapatunay ito na isa ang dates palm sa punongkahoy na kinakain noon pa man ng mga sinaunang tao.