^

Para Malibang

Ang babaing kinakain ang lahat (7)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

NANINDIGAN si Head-Teacher Sofia sa mga panauhing co-teachers. “Bakit ba ayaw n’yong paniwalaang ang baby ko ngang bagong panganak ang nasa crib? Bakit sa halip manggilalas sa super-lusog kong baby ay ayaw n’yong tingnan ang galing ko sa pagpapalaki kay Tatiana?”

Natigilan ang mga kapwa-guro sa narinig sa kanilang head-teacher.

Malalim kasi ng binitiwang mga salita nito. Nakita nito ang hindi nila nakitang mga bagay-bagay.

“Really-really, Sofia? Isinusumpa mong ito na nga si Tatiana na bagong silang mo 2 days ago?” pangungulit ng teacher na bading.

Ganito rin ang tanong ni Miss Tecson at ng iba pang nawalan ng expensive bags sa tahanan ni Sofia.

Sumumpa si Sofia.  “I swear siya na nga ang baby ko!”

“Puwede bang patotohanan din ito ng ama, Sofia? Kailangang pati si Almario ay magpatutoo!” hirit ni Miss Tecson.

“Nakaalis na si Almario. Sasabihan ko ngang mag-withdraw na ng pambayad sa nawala ninyong handbags. Ako na ang magpapaliwanag sa nangyari.”

May nasulyapan sa crib ang bading, ipinakita sa iba pang guro. “Tingnan n’yo, dali!”

Mga pirapirasong bahagi ng expensive handbags nila ang nakakalat sa crib ni Tatiana. Natiyak nilang bahagi nga ng nawawalang mga handbags!

 Nagkatinginan ang mga kapwa-guro ni Sofia.

Iisa ang kanilang  naisip na ngumatngat sa mga naubos na bags—si Tatiana!

Nilapitan nila si Baby Tatiana, sinuri ang bunganga.

Para namang nakipaglaro sa kanila si Tatiana, ngumanga.

Napaatras ang mga guro, nakita ang imposible. Akalain ba nilang may matatalas nang ngipin si Tatiana?

“Oh my God! M-may pangil pa!”

“At puro matutulis ang ngipin niya!”

(ITUTULOY)

AKALAIN

ALMARIO

BABY TATIANA

BAKIT

GANITO

MISS TECSON

TATIANA

TEACHER SOFIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with