^

Para Malibang

Ang nagagawa ng ‘coconut tree’ sa’yo

Pang-masa

Ang puno ng niyog o “coconut tree” ay tinatawag na “tree of life”, dahil sa dami ng benepisyong nakukuha mula sa ugat at bunga nito. Madaming coconut tree sa mga tropical countries gaya ng India, Sri Lanka, Thailand, Pilipinas at iba pa. Isa ang coconut oil sa mga nakukuha mula sa coconut o niyog. At sa totoo lang napakaraming benepisyo ng coconut oil sa buhay at kalusugan ng mga tao. Narito ang ilan:

Pampaganda ng buhok – Isa ang langis ng niyos sa pinakamahusay gamitin kung pag-aalaga ng buhok ang pag-uusapan. Tumutulong itong mapanatili ang malusog at makintab na hibla ng iyong buhok . Nakakatulong rin ito para madagdagan ang nawawalang protina sa iyong buhok kaya minsan nakikita mong parang walang kabuhay buhay ang iyong buhok. Sa katunayan, ginagamit ang coconut oil  ng mga kababaihan sa India  bilang conditioner at pampakapal ng buhok. Ang protinang nagmumula dito ang gumagamot sa  nasira mong buhok. Nagbibigay rin ng proteksiyon ang coconut oil lalo na kapag stress ka sa trabaho, ang resulta, stress din ang iyong hair. Gamot din ang coconut oil para hindi pamugaran ng kuto, lisa at balakubak ang iyong buhok.

Sakit sa puso – Mayroong mga maling pag-aaral noon na lumabas na ang coconut oil ay hindi maganda sa puso ng tao dahil sa taglay nitong saturated fats. Pero, mali ito, dahil sa totoo lang may benepisyo sa puso ang coconut oil dahil 50% ng coconut oil ay lauric acid na tumutulong para maiwasan ang ilang sakit sa puso gaya ng pagkakaroon ng mataas na cholesterol at blood pressure.  Ang saturated fat na makukuha sa coconut oil ay hindi naman nakakasama sa kalusugan at hindi nagpapataas ng LDL o bad cholesterol.

Mabuti sa balat – Magandang gamitin ang coconut oil bilang pangmasahe sa buong katawan. Epektibo ito bilang moisturizer sa lahat ng uri ng balat lalo na ang dry skin. Kahalintulad ang epekto ng coconut oil sa  mga mineral oil na medyo kamahalan ang presyo. Pinipigilan rin nito ang pagkakaroon ng wrinkles o kulubot sa mukha dulot ng pagtanda. Nakakatulong din ito para magamot ang eczema, psoriasis, dermatitis at iba pang skin infection. Dahil dito, kasama ang coconut oil sa mga sangkap sa paggawa ng lotion at pamahid sa mukha.

vuukle comment

BUHOK

COCONUT

DAHIL

EPEKTIBO

ISA

NAKAKATULONG

OIL

SRI LANKA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with