‘Anti-antok’

Last part

Ito ay huling bahagi ng paksa kung paano mo aalisin ang iyong  antok sa oras ng iyong trabaho na hindi mo naman kailangan na uminom ng anumang caffeinated drinks gaya ng kape o softdrinks. Narito pa ang ilan:

Kumain – Isang epektibo rin na paraan ng pag-aalis ng antok ay ang pagkain. Ngunit hindi mo dapat piliin ang matatamis na pagkain dahil mas lalo kang aantukin sa oras na tumaas ang sugar level sa iyong katawan. Sa halip, pumili ng prutas at medyo maasim, maamoy at maanghang na pagkain.

Manood – Mabisang pang-alis ng antok din ang panonood ng pelikulang nakakatakot o nakakatawa. Gigisingin kasi nito ang iyong diwa.

Mag-lotion – Mabuti rin na mayroon kang personal na gamit sa iyong locker o desk sa opisina gaya ng lotion o scented oil. Kapag inaantok, maglagay lang nito sa tapat ng iyong pulso sa kamay at kung kaya mo naman ang amoy nito, maglagay ng bahagya sa tungki ng iyong ilong para mas maamoy mo at magising ka.

Mag-sound trip – Bakit hindi mo subukan na maglagay ng earphone sa iyong tenga at saka makinig ng mga upbeat music sa loob ng sampung minuto at saka sumayaw ng kaunti. Tiyak na matatawa ang mga taong nakapaligid sa’yo at sa pamamagitan nito ay magigising ka maging ang iba.

Makipagkuwentuhan – Sa halip na pagbigyan ang iyong sarili na matulog, makipagkuwentuhan ka na lang sa iba at makipagbatuhan ng jokes sa loob ng limang minuto. Kapag tumatawa, naglalabas ng kemikal na tinatawag na endorphins ang iyong katawan at tiyak na ikaw ay magigising.

Show comments