Nagdudulot ng magandang kapalaran ang paggamit ng tamang kulay sa iba’t ibang bahagi ng inyong bahay. Ang paggamit ng kulay ay puwedeng iaplay sa paintings, kurtina, pintura ng wall, carpet, tiles, cushion, etc. Compass ang kailangan para malaman ang iba’t ibang direksiyon.
North
Ito ang lugar ng iyong bahay na dapat mong pagyamanin para maging masuwerte sa hanapbuhay o magkamal ng maraming salapi. Gumamit ka ng black, blue, gold at silver. Kung ikaw ay may negosyo, mas mainam na maglagay ng fountain na may gumagalaw na bolang crystal.
Northeast
Ito ay para maging tama ang landas na tatahakin ng mga bagong kasal, estudyante at naghahanap ng trabaho. Gumamit ng yellow, brown at red. Mas mainam kung kombinasyon ng tatlong nabanggit na kulay ang gagamitin.
East
Green at blue ang gagamitin sa bahaging ito ng bahay upang laging positibo ang takbo ng isipan. Mainam na dito ilagay ang study room o opisina. Kung walang bedroom sa bahaging ito, makakabuting magdispley dito ng aquarium at halaman.
Itutuloy