^

Para Malibang

The ghost of ‘padre tililing’ (71)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

“TAMA po ba, dok, buhay ang misis ko?” ulit na tanong ni Simon, hindi makapaniwala. “Hindi siya namatay?”

“Oo, ganoon nga, mister. Ang nasawi ay ang bata sa sinapupunan ni Misis,” napapailing na sabi ng doktor.

Napaluha sa galak si Simon. Hindi niya matatanggap kung namatay si Miranda. “Salamat po, duktor. Maraming-maraming salamat po...”

“Hindi ka nalungkot na namatay ang baby?” kyuryosong tanong ng surgeon, nais isipin na iba ang ama ng nasa sinapupunan ng misis.

“Mas mahalaga sa akin ang buhay ng misis ko, dok. Kaya pa naming gumawa ng panibagong baby”. Totoo sa loob ni Simon ang sinabi.

Katulad ni Simon, labis-labis din ang pasasalamat ni ‘Padre Tililing’; hindi niya matatanggap kung namatay si Miranda dahil sa kanyang kapaba­yaan; di ba nga hindi niya nababalaan si Miranda?

SA ICU, nagkamalay na si Miranda. Naunawaang siya ay nasa ospital. Naalala ang sakuna sa makipot na highway.

Kinabahan. “A-ano’ng nangyari sa mister ko, nars?”

“Dalawang lalaki po ang kasabay ninyong isinugod dito, mam. Isang punggok na hindi guwapo at isang matangkad na may hitsura.”

“Yung matangkad na guwapo ang mister ko, nars... ano na ang nangyari...?”   “Buhay po silang pareho, mam.”

Nakahinga nang maluwag si Miranda, tahimik na napaluha, nagpapa­salamat.  Nang biglang may naalala. Ang dinadalang baby sa sinapupunan.

Awtomatikong kinapa niya ang tiyan, matindi ang kaba.

“Nars, kumusta itong baby ko?”

Napalunok ang nars, namutla. Ayaw nitong maghatid ng masamang ba­lita. “Kuwan po, mam, tatawagin ko ang duktor. Si Doc po ang magsasabi...”

Lalo lamang itong nagpatindi sa kaba ni Miranda. Sinabayan pa ng galit sa tigil na nars. “Ano pa ang hinihintay mo? Tawagin mo na ang duktor!”

Saka pa lang ‘natauhan’ ang nars. “Opo, opo, tatawagin na po!”

Si ‘Padre Tililing’ ay nauna na sa tabi ni Miranda; bago pa man nakara­ting ang duktor ay nagparamdam na ito kay Miranda.

Binulungan ang babaing laging minamahal. “Miranda, tatagan mo ang iyong sarili. Ang tao ay umaasam, pero ang Diyos ang nagpapasya.”

“C-Carlo?” paniniyak ni Miranda. “May masama bang nangyari s-sa baby ko?”  Hustong pumasok na ang duktor, nilapitan si Miranda nang mahinahon. Bilang manggagamot ay detached ang damdamin nito sa pasyente.

“Misis, ginawa namin ang lahat para mailigtas din ang inyong baby,” panimula nito. “Kaso ay... nabigo kami.”

Namutla si Miranda. “W-wala na ang...baby ko?”

Tumango ang duktor. “Ikinalulungkot ko po, misis”.

“Eeeee!”sigaw ni Miranda, galit na galit. “Pinatay mo ang anak ko!”                                                                                                        

(Itutuloy)

vuukle comment

ANO

AWTOMATIKONG

BABY

MIRANDA

MISIS

PADRE TILILING

SI DOC

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with