Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na noong 1970, isang sawa na may habang 22.6 talampakan ang kumain sa anim na Agta Negritos sa Luzon? Ang mga Agta Negritos ay mga indigenous people sa Luzon ng panahong iyon. Sa ginawang pag-aaral ng isang anthropologist nadiskubre na 15 mula sa 58 lalaki at isa sa 62 kababaihan ng mga Agta Negritos ay inatake ng nasabing higanteng sawa, kung saan isa pa nga sa mga nakain nito ay nakuha pa ang katawan sa tiyan ng sawa ng ito ay mahuli at tuluyang katayin ng mga natives. Kinailangan kasi nilang hulihin at patayin ang sawa dahil kakompetensiya nila ito sa pagkain ng usa, baboy-damo at iba pang hayop sa bundok. (mula sa www.filipiknow.net)

 

Show comments