Ito ay huling bahagi ng paksa hinggil sa mga sakit na maaaring makuha dahil sa sobrang pagiging adik sa text, tablet, computer at iba pang gadgets.
‘Nomophobia’ – Ang salitang ito’y pinaikli bilang “no-mobile-phone phobia” o pagkatakot na mawalan ng cell phone. Sinabi pa rin sa nabanggit na pag-aaral sa UK na sa 1,000 katao 66% nito ay may takot na mawalan ng cell phones sa anumang oras. Ilang sintomas ng “nomophobia” ay ang matinding pag-aalala kapag hindi niya magamit ang kanyang cell phone, palaging pagche-check kung ang cell phone ay nasa iyong katawan at ang pagkatakot na maiwan mo ito kung saan. Lumalabas pa rin na mas maraming babae ang nakakaranas ng “nomophobia” kaysa sa mga lalaki. Kapag nakakaranas nito, ipinapayo ng mga eksperto na mag-yoga upang maalis ang stress.
‘Vibration Syndrome’ - May mga taong sobrang umiinit ang ulo kapag hindi nila nararamdaman na nagba-vibrate ang kanilang cell phone. Sa pag-aaral ng isang propesor sa Indiana University, 89% ng mga undergraduates ay nakakaranas ng “phantom vibrations”. Para magamot ka sa pagiging adik mo sa “cell phone vibration”, palagi mong patayin ang vibration ng iyong cp. Kung hindi mo naman kayang ilagay sa off mode ang vibration ng cp mo, ilagay mo na lang ito sa iyong bag at hindi sa iyong bulsa. Pigilan mo rin ang iyong sarili na palaging tingnan ang iyong cp kada limang minuto.