Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na ang unang-unang same-sex marriage ay mula sa samahan ng New Peoples Army? Noong 2005, ikinasal ang mga NPA members na nakilala lang sa mga pangalang Ka Andres at Ka Jose sa bisa ng kanilang se­remonya na ginanap sa Compostela Valley.  Ang kasalan ay dinaluhan ng kani-kanilang mga kumander, pamilya at ilang malalapit na kaibigan. Habang ikinakasal ay magkahawak ng kamay ang dalawa habang ang isang kamay naman nila ay may hawak na mga bala, tanda na hindi nila tinatalikuran ang kanilang pangako sa kanilang samahan. (mula sa www.filipiknow.com.net)

Show comments