“TUTOO ang sabi ko, Simon, lagi na tayong magkasama. I’ll never let you go alone. Hindi na ‘ko papayag na madukot kang muli ng mga bandidong ‘yon sa niyugan.
“At pangako ko pa rin—hindi, sumpa ko pala—dudurugin ko ang mga bandidong nagpahirap sa iyo, Simon!” Kitang seryoso sa bawat salitang binitiwan si Miranda.
Ang nanay ni Simon at kapatid na si Myrna ay tuwang-tuwa sa mahimalang paggaling ni Simon. Sila man ay naniniwalang iniligtas ni Lord ang kanilang kapamilya. “Magpapamisa tayo, anak, pasasalamat sa Diyos.”“Opo, Inay, iyan din ho ang balak ko.Huwag kayong mag-alala, may pero akong pambayad.”“Hindi pambayad ang tawag ng pari, Kuya Simon. Donasyon”.Nagpaliwanag si Myrna.Tumango si Simon. “Okay, donasyon.
“Ang inaalala ko ngayon, Inay, Myrna, baka kayong dalawa ang balikan ng masasamang loob na ‘yon; sa inyo gaganti.”“Magpapatulong kami sa barangay, pati na pulisya. Hindi kami dapat padaig sa takot, Simon, anak”.“Tama si Inay, Kuya Simon. Ang taong nagpatatalo sa takot ay para na ring patay”.Bumuntunghininga si Simon. “Sige, dagdagan ninyo ang pag-iingat, Inay, lalo ka na, Myrna. Nagkalat ang mga rapists ngayon”.
Nagsalita si Miranda.“Simon, ako na ang magdodonasyon sa simbahan. Sagot ko ang lahat ng gastos”.“Pero nakakahiya naman, Miranda”.
“Simon, I insist. Gusto kong ako ang magbayad”.SAKAY na ng sasakyan ni Miranda ang mag-asawa, Ang tauhan ni Miranda ang nagda-drive; katabi ni Miranda sa panggitnang upuan ng van si Simon.Pauwi na sila sa Kamaynilaan.
“Siyet, meron akong nalimutang pasalamatan.” “Si Tililing?” hula ni Simon.
Tumango si Miranda. “Sinamahan niya ako at pinalakas ang aking loob, noong akala ko’y babawiin ka na ng Diyos, Simon.”
Wala sa abot-tanaw ng mag-asawa si ‘Padre Tililing’. “Baka naman nasa ibang misyon, Miranda”. Tumangu-tango ang smuggling queen. “Siguro nga”.Nagyakap ang mag-asawa. Banayad na ring naghalikan.
Nagbukas ng damdamin angmatigas na smuggling, ngayo’y parang maamong tupa.“Hindi ka pala puwedeng pantayan ng pera, Simon.”
“Iyon naman ang dapat, Miranda. Ang buhay ng bawat tao ay handog ng Diyos, regalo. Hindi dapat tapatan ng anumang dami ng pera.”
Mali ang akala ng mag-asawa na wala sa paligid si ‘Padre Tililing’. Ang mabuting multo ay nasa tapat ng bubong ng tumatakbong sasakyan nila. Nakalutang sa ere si ‘Padre Tililing’, lumilipad na kasabay ng van.Hindi pa rin pala makawala sa ‘magnet’ ni Miranda ang mabait na multo. (ITUTULOY)