Mababang lebel ng sugar sa katawan.
Natural lang na may ‘di pagkakaunawaan ang mga mag-asawa.
Siyempre, hindi lahat ng bagay ay pareho kayo ng gusto, pananaw, paniniwala etc. kaya ‘di malayong magkaroon ng argumento o di pagkakaunawaan. Pero alam n’yo bang minsan, resulta ito ng low blood glucose levels, ayon sa mga Ohio State University researchers.
Ayon sa ginawang pag-aaral noong 2014, pina-test ang blood sugar ng 107 married couples tuwing gabi at umaga at pagkatapos ay kailangan nilang magtusok ng pins sa mga ‘voodoo dolls’ manikang tela (manika ng mga mangkukulam) na kumakatawan ng kanilang mga asawa, base kung gaano sila kainis o galit sa kanilang mga asawa. Kapag mababa ang kanilang blood sugar sa loob ng 21-araw, mas marami silang pins na nagagamit.
Ang isang posibleng dahilan ay ang low blood sugar ay nagiging dahilan para makaramdam ng gutom kaya iritable ang isang tao. Kaya ang payo ng isang doctor, huwag makipagdiskusyunan sa iyong partner kapag ikaw ay gutom.
Bonding sa roadtrip - Ang iba, walang gana sa mahabang biyahe lalo na kung magmamaneho pa. Nakakainip kasi, masakit sa puwet at kung ikaw ang driver, mapapagod ka pa.
Pero alam n’yo bang, magandang pagkakataon ang isang roadtrip para maka-bonding ang iyong partner. Base sa mga eksperto, kapag bumibiyahe kasama ang partner, may pagkakataon kayong mag-usap at mag-bonding. May pagkakataon kayong pag-usapan ang mga bagay-bagay. Pagkakataon n’yo itong magkakilalang mabuti, magkaliwanagan sa ilang isyu sa iyong relasyon o pagsasama. Pagkakataon n’yo itong magkakuwentuhan.