Alam n’yo ba noong unang panahon sa iba’t ibang bansa ay mayroong mabibigat na parusang ipinapataw sa kani-kanilang mga mamamayan sa oras na sila ay mahuling lumabag sa batas? Kagaya sa bansang China, noong 900 AD, pinapatawan ang taong nagkasala ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng unti-unting pag-aalis ng isang parte ng kanilang katawan. Mas matagal, mas maganda. Ngunit inallis ito noong 1905. Sa Persia naman ikinukulong ang isang taong nagkasala sa isang kuwartong puno ng abo. Mayroong isang machine na magpapalabas ng mga abo hanggang sa unti-unting mamamatay sa suffocation ang taong ikinulong dito. (mula sa thoughtcatalog.com)