^

Para Malibang

Depresyon (3)

BODY PAX - Pang-masa

Ang mga sintomas nito ay hindi lumalabas pagkatapos ng dalawang buwan. Ang ganitong depresyon ay paulit-ulit ang sintomas pero hindi gaanong malubha kum­para sa Major Depression.

Manic Depression (kilala bilang Bipolar Disorder) – Ang depresyong ito ay may kasamang pagkahibang at depresyon. Sa ganitong depresyon ang taong nakararanas nito ay pabago-bago ang mood. Mula sa pagiging kalmado ay napapalitan ng matinding sidhi ng damdamin:

Sobrang taas ng tiwala sa sarile

Kawalang tulog

Talkative

Maraming nabubong ideya sa isip

Madaling ma-distracted

Sobrang magaslaw na humahantong ng mga  delikadong bagay.

Iba pang mga klase ng kategorya ng depression

Post Partum Depression – isang major depressive episode na lumalabas pagkatapos manganak. Ang sintomas ay karaniwang nagsisimula sa loob ng apat na linggo ng pa-nganganak.

Anxiety Depression – Hindi ito isang klase ng depresyon  ngunit, ang anxiety ay nararanasan ng taong may depresyon. Sa mga depressed na tao ay nakararanas ng sintomas anxiety (panic attacks).

Atypical Depression (Sub-type ng Major Depression o Dysthymia) – Panandaliang pag-igi ng kondisyon ng kalooban na nagreresulta sa:

Pagtaas ng timbang at gana sa pagkain

Sobrang pagtulog

Mabigat ang pakiramdam ng braso at mga hita

Chronic Depression – Isang major depressive episode na tumatagal ng hanggang dalawang taon.

Double Depression – Taong may Dysthymia (chronic mild depression) at nakakaranas ng major depressive episode.

Endogenous Depression – Endogenous na ibig sabihin ay katawan. Ang depresyon na ito ay may pakiramdam na depress pero walang nakikitang dahilan.

ANXIETY DEPRESSION

ATYPICAL DEPRESSION

BIPOLAR DISORDER

CHRONIC DEPRESSION

DEPRESSION

MAJOR DEPRESSION

SOBRANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with