Hirap sa pagtulog
Sobra-sobrang galaw o pagbagal dahil mental tension
Pagkapagal o kawalan ng enerhiya
Pakiramdam na walang halaga o kuwenta at nakukunsenya
Hirap mag-isip, konsintrasyon at gumawa ng desisyon
Pauli-ulit na pag-iisip tungkol sa kamatayan, sumusobok na magpakamatay at nagpaplanong magpakamatay
Dysthymic Disorder isa pang depresyon na karaniwan na ang kalungkutan ay nararanasan sa buong araw na umaabot hanggang dalawang taon. Sa loob ng dalawang taon ang pagitan ng nararanasang depresyon ay hindi lumalampas ng dalawang buwan. Mga sintomas ng ganitong depresyon katulad ng:
• Kawalang ganang kumain
• Hirap makatulog
• Panghihina o fatigue
• Kawalan ng tiwala sa sarili
• Walang konsintrasyon at hirap gumawa ng desisyon
• Kawalan ng pag-asa