Alam n’yo ba na makailang ulit ng nagging “host” ang Pilipinas para pangunahan ang malalaking event sa buong mundo? Noong Nobyembre 22,1995, sa bansa ginanap ang Asia-Pacific Economic Cooperation kung saan dumating dito si dating pangulong Bill Clinton. Ang 23rd annual Miss Universe pageant ay ginanap sa Folk Arts Theater noong 1974 at naulit ito noong 1994. Sa Araneta Coliseum naman isinagawa ang bakbakan nina dating heavyweight champions Muhammad Ali at Joe Frazier, noong October 1,1975 at nakilala ito bilang “Thrilla in Manila”. Ipinagawa naman ni dating pangulong Ferdinand Marcos ang Grand Coconut Palace ng bumisita si Pope John Paul II noong 1980. Muling bumisita ang pinuno ng Vatican state noong Enero 1995.