Alam n’yo ba na ang pinakamalaking “bouquet” ng bulaklak ay binuo ng 70,000 roses at ito ay ginawa ni Ashrita Furman? Noong 1986 ay ipinasa ng Kongreso ng America na ang “Rose” ang kanilang pambansang bulaklak habang ang “bluebonnet” naman ang pambansang bulaklak ng Texas. Ang bulaklak na ito ay tila maliit na “bonnet”. Sa California naman nagmumula ang 60% ng mga bulaklak na itinitinda sa mga Flower shop. Ang “Titan Arum” ang pinakamalaki at pinakamahalimuyak na bulaklak sa buong mundo. Gayunman, ito rin ang tinaguriang pabango ng patay dahil sa amoy nitong tila nabubulok na laman. May taas itong tatlong metro.