Alam n’yo ba na ang Ninoy Aquino Day ay idineklarang holiday ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo noong Pebrero 25, 2004 sa bisa ng Republic Act 9256 o 18-taon matapos ang People Power Revolution. Sa araw din ito ay ginugunita ang pagkakapatay kay dating Senador Benigno “Ninoy” Aquino Jr. Ang pagkakapatay sa kanya ang naging daan upang maibagsak ang rehimen ni dating Pangulong Ferdinand Marcos noong Pebrero 25, 1986. Si Aquino ang numero unong kritiko ni Marcos kaya naman ikinulong ng walong taon matapos na ideklara ang martial law sa bansa.