Kahit ang first night ng bagong kasal ay puwedeng aplayan ng Feng Shui upang positive energy kaagad ang unang papasok sa kanilang relasyon:
Para maging hot and spicy ang honeymoon, magsuot ang misis ng red o pink sexy lingerie. Kung type mo ay slow but sensual lovemaking, isuot ay earth colors—cream, cocoa.
Maglagay sa flower vase ng red flowers sa bedroom para ma-activate ang romantic energy. Ang bilang ng bulaklak ay even numbers. Maglagay sa bowl ng inyong favorite candy para maging sweet kayo sa isa’t isa. Ilagay ito sa right side ng bedroom.
Gusto mo bang ikaw ang maging “protector” ng inyong relasyon o tagasunod ka na lang? Kung gusto mong maging protector, sa unang gabi pa lang ay pupuwesto ka sa side na malapit sa pintuan.
Takpan ang televison set ng hotel room ng kahit anong tela para mawala lang ito sa paningin. Hindi magdudulot ng positive energy. (Itutuloy)