Panaginip: Bakit po ilang beses ko nang napapanaginipan ang isang eroplanong bumabagsak? Minsan ay nakasakay ako sa eroplanong bumabagsak pero hindi ako namamatay. Minsan naman ay nakikita ko lang na may bumabagsak na eroplano.---ETR of San Pablo City
Interpretation: Kung sakaling dumating ang kabiguan sa iyong buhay, huwag mong hahayaang talunin ka ng kawalan ng pag-asa. Panatilihin mo ang pag-asa sa iyong puso. Lagi mong tandaan na lahat ng bagay dito sa mundo ay temporary lamang, kasama na doon ang kabiguan.