NARAMDAMAN ni Miranda ang masarap-banayad na haplos ni ‘Padre Tililing’. Nagising siya,
Siya lang ang nakakakita sa multo ni Carlo a.k.a. ‘Padre Tililing.’
“Carlo...” Humaplos sa puso ni Miranda ang pananabik sa first love.
Tama nga siguro ang nagsabing ‘first love never dies’.
“Bakit ngayon ka lang uli dumating, Carlo? Kung kailan magkakaanak na kami ni Simon. ..”
Patuloy siyang hinahaplos ng unang pag-ibig.
“Miranda, uulitin ko bang hindi ko alam kung bakit patuloy akong naa-attract sa iyo? Si God lang ang nakakaalam.”
“Sana, noong tayo pa—sana ay sa iyo na lang ako nagkaanak, Carlo.”
Umiling ang multo ng hindi tunay na padre. “Please don’t say that.Magiging miserable ang buhay mo at ng bata kung ganyan ang isip mo.”
“Mamahalin ko ang anak ko pero ayoko na kay Simon,” madiing sabi ni Miranda. Kita pa rin ang tigas ng loob ng smuggling queen.
Sa pisngi na hinaplos ng ‘padre’ si Miranda. Gustung-gusto naman nito ang ginagawa ni Carlo.
“More, Carlo...more.” bulong nito.
Ang ale na katapat ni Miranda ng upuan sa bus ay nagtaka.
“May kausap ka ba, miss?” tanong nito kay Miranda.
Pilya rin paminsan-minsan si Miranda. “Opo, meron. Ang lover kong...multo.”
Mabilis na napatayo ang ale, lumayo ng upuan kay Miranda, obvious na kinilabutan.
Mayamaya’y si Carlo naman ang kinilabutan. “Miranda, pahintuin mo ang bus na ‘to, dali!”
“H-Ha? B-bakit?” Takang-taka si Miranda.
Hinidi nagpaliguy-ligoy si Carlo. “Merong bomba! Sasabog ang bus na ‘to!”
“Oh my God,” putlang sabi ni Miranda.
“PARAAA!” Sigaw ni Miranda, malakas. (ITUTULOY)