The ghost of ‘Padre Tililing’(46)

 LITONG nagtanong si Simon, hawak ang masakit pang bukol sa noo. “Ano ho a-ang nangyari, Inay?”

“Binangga mo ‘yung inosenteng kalabaw, nakailag-- ang  puno ng niyog ang nasapol ng ulo mo, ‘Buti hindi nabiyak.” Halatang inis ang ina. “Sabi tuloy ni Miranda, nabaliw ka na nga siguro.”

 Naalala ni Simon ang asawa. “G-galit pa ho ba sa ‘kin si Miranda?”

“Natural, tinangka mo raw siyang patayin. Hindi raw niya malilimutan ‘yon, Simon.”

“Inay, ang katabing unan niya ang pinagsasaksak ko! Hindi si Miranda.”

“Huling sandali iyon ng katinuan mo. Ang klaro, muntik mo nang napatay ang misis mo.”

 Si Myrna ay nakatanaw sa kuya, awang-awa rito.

 “Myrna, ihingi mo ako ng tawad sa Ate Miranda mo...mag-uusap ‘ka mo kami.”

 “Hindi mo muna itatanong kung nasaan na si Ate Miranda?”

 Kinabahan si Simon. “W-wala siya sa silid namin?”

 Tumanaw sa malayo ang dalagita, nalaglag na ang mga luha. Tumuro sa malayo.

“Iniwan ako ni...Miranda?” paniniyak ni Simon. Pinaglipat-lipat ang tingin sa nanay at sa kapatid.

 Tumango ang ina, yuko ang ulo.

 Tumango rin si Myrna, masamang-masama ang loob.

  Parang binagsakan ng mundo si Simon. Unti-unting nagsusumiksik sa isip ang masaklap na katotohanan.

 Mayamaya pa’y tahimik nang umiyak. Yugyog ang balikat.

SA LOOB ng provincial bus, itinulog ni Miranda ang problema. Kakaunti ang pasahero, okupado niya ang pantatluhang upuan.

 Hindi na niya naramdaman na may katabi na siya.

Ang multong super-bait;  ang‘padre’ na na-magnet na yata ni  Miranda.

Si Carlo a.k.a. Padre Tililing. “Mahal kita, Miranda.” (ITUTULOY)

 

Show comments