Alam n’yo ba?

Alam n’yo ba na may iba’t ibang uri ng keso? Ang blue cheese ay isang uri nito. Orihinal na nakukuha ang ganitong uri ng keso sa loob ng mga kuweba kung saan ang mold o amag na sangkap nito ay natural na nasa ganitong lugar. Nakakaapekto kasi sa lasa ng blue cheese ang mga amag na natural na tumutubo sa mga kuwebang ito. Ang pagkakadiskubre sa blue cheese ay aksidente lang. May isang tao na nagtago ng mga keso sa loob ng kuweba at makalipas ang ilang araw ay nabalot na ito ng amag. Sa sobrang panghihinayang ay hindi agad itinapon ang mga nasabing keso at tinikman niya ito. Presto! Nalasahan niya ang kakaibang sarap ng kesong ito.

 

Show comments