Kakaibang ‘Orgasm’ (2)

Pagpapagupit - Narinig n’yo na ba ang Autonomous Sensory Meridian Response? Ang ASMR ay isang phenomenon kung saan nakakaranas ng kahalintulad ng pag-o-orgasm na nangyayari lang sa iyong ulo na maaaring ma-trigger na iba’t ibang wirdong bagay. Ang iba ay nag-o-orgasm sa pagpapagupit, ang iba ay sa panonood ng YouTube videos ng kung anu-anong hindi naman porn tulad ng pagme-make-up. Habang nanonood ay nagkakaroon sila ng orgasm sa utak. Nangyayari talaga ito.

Paghihikab - Sa maniwala kayo at sa hindi, may nag-o-orgasm sa paghihikab. Ito ay kung may iniinom na isang uri ng gamot na may kakaibang side effect na pag-o-orgasm kapag humihikab.

Ito ay mga gamot sa depression. Ang siste, hindi ba nakakahawa ang paghihikab.  Paano kung sunud-sunod na maghikab ang mga tao sa paligid. Sunud-sunod din ba ang orgasm?

Show comments