Ebola Virus Disease (3)

Sa seremonya ng burol, ang mga nakiramay ay maaaring mahawa sa namatay sa sakit na ito sa pamamagitan ng direct contact sa katawan ng namatay. Ang mga lalaking gumaling sa sakit na ito ay maaaring makahawa sa pamamagitan ng kanilang semilya na hanggang pitong linggo pagkatapos gumaling. Ang mga health-care workers ay madalas mahawa habang ginagamot ang mga pasyente ng EVD. Ito ay nangyayari dahil sa close contact nila sa mga pasyente kapag ang mga tamang pag-iingat at pangangalaga ay hindi sinusunod at ginagawa. Sa mga health workers na may contact sa mga unggoy at baboy na infected ng Reston ebola virus, na may ilang nahawa na hindi kinakitaan ng sintomas na ito. Ang RESTV ay walang gaanong kakayahan na makahawa sa mga tao kumpara sa ibang Ebola species.

Show comments