Dear Vanezza,
I’m 13 yrs. old at may crush po ako. Ang problema ko po ay crush din siya ng pinsan ko. Ginagawa niya ang lahat para makuha yung boy. Pati ang siraan ako sa crush ko ay ginawa na niya. Nagseselos ako sa tuwing binabanggit niya na nagkakamabutihan na sila. Pero alam niyang my gf yung crush namin. Ano po ang dapat kong gawin para makuha ang atensyon ng crush ko? - Hello Kity
Dear Hello Kity,
‘Wag mo na lang pansinin ang pinsan mo. Maaring gumagawa lang siya ng kuwento tungkol sa kanila ng crush mo para pagselosin ka. Mabuting huwag mo ring ipakita sa iyong pinsan na interesado kang masyado sa boy para hindi ka na niya gawan ng hindi maganda. Isa pa, may gf na ang crush ninyo kaya malabong mapansin pa kayo. Walang masama sa crush, pero dapat pag-aaral pa rin ang priority dahil ito ang mas mahalaga lalo na’t bata ka pa.
Sumasaiyo,
Vanezza