Kilalanin ang 12 Sun Signs (2)

Taurus:

Ang Taurus-born person ay matiyaga, may pagkakataong conservative ang paniniwala, ambisyoso at sutil. Mapagmahal ngunit nawawala sa katwiran kapag nagagalit. Masipag at masunuring empleyado pero nagiging matigas ang ulo kapag kinontra siya. Malihim, sincere at mapagkakatiwalaan. Madiplomasya at laging nakangiti sa kapwa.

Minsa’y babaero/lalakero kaya maraming nakaka-love affair. Kaya lang, kapag natagpuan niya ang tunay na pag-ibig, wow, gagawin niya ang lahat, kahit pa ikamatay niya. Bihira sa mga Taurean ang nakikipaghiwalay o nakikipagdiborsiyo sa kanilang asawa. Compatible siya sa Virgo, Capricorn, Cancer, Scorpio at Pisces-born persons.

Matipid kaya umaasenso ang buhay. Ang anim na importanteng P sa kanyang buhay ay—Peace, Pleasure, Property, Prosperity, Popularity at Position.

Ang Taurean lady ay mabuting asawa at ina. Kadalasan ay istrikto sa mga anak pero maasikaso sa pamilya.

Biyernes, Miyerkules, Sabado at Lunes ang masuwerteng araw. Nagiging magastos kung araw ng Martes. Nagiging mabilis ang lahat kung Biyernes.

Ka-vibes mo ang number 2 at 8 pero attractive sa iyo ang 7 at 9. Walang dating ang 1, 3, 4 at 6. Hindi mo kasundo ang 5.

Nagbibigay ng magandang aura ang pink, green at white. Iwasan ang pula.

Show comments