Ang Ebola virus ay unang nakita noong 1976 sa dalawang magkakasabay na paglaganap sa Nzara, Sudan, at sa Yambuku, Democratic Republic of Congo. Kinalaunan ay sa nayon na malapit sa ilog ng Ebola, kung saan nakuha ang pangalan ng sakit na ito.
Ang Genus Ebola virus ay 1 sa 3 miyembro ng Filoviridae family (filovirus), kasama na ang genus Marburgvirus at Genus Cuevavirus. Ang Genus Ebola virus ay binubuo ng limang species:
Ang BDBV, EBOV, at SUDV ay inuugnay sa paglagananap sa Africa, samantala ang RESTV at TAFV ay hindi. Dito sa Pilipinas at People’s Republic of China ang RESTV ay maaaring lumaganap sa mga tao ngunit wala pang nai-report na pagkakasakit o namatay na tao rito.
Paano naisalin sa tao?
Ang Ebola ay nagsimula sa populasyon ng tao sa pamamagitan ng close contact sa dugo, secretions, organs o iba pang likido ng katawan ng infected na hayop. Sa Africa, ang mga hayop na naitalang nahawa ay katulad ng chimpanzees, gorillas, fruit bats, ungoy, mga usa at porcupines sa gubat.
Kumalat ang Ebola sa kanayunan sa pamamagitan ng human-to-human transmission, na may impeksyon ay resulta ng direktang kontak (sa pamamagitan ng sugat sa balat at mucous membranes) sa dugo, secretions, organs at iba pang likido sa katawan ng nahawang tao at indirect contact sa kapaligiran na kontaminadong likido. (Itutuloy)