Alam n’yo ba na ang talong ay orihinal na nagmula sa India? Ang unang tumubong talong noong unang panahon ay mapapait. Naging mabuti lang ang lasa nito simula ng mauso ang “crossbreeding”. Kaanak ng talong ang patatas, kamatis at sili. Hindi sikat ang talong sa Amerika. Si Thomas Jefferson ang nagpakilala ng talong sa North America. Noong 20th Century sa Europa, pinaghihinalaan nilang nakakabaliw ang pagkain ng talong at makakakuha rito ng ketong, cancer at bad breath. Kaya naman hindi nila ito kinakain at sa halip ay ginagawa lang dekorasyon sa England. Malalaman mong sariwa ang talong kapag agad nawala ang bakas ng iyong daliri dito kapag ito’y iyong pinisil. Ang talong na mabigat ay malinamnam kapag ito ay niluto ngunit kapag ito ay magaan lang wala itong lasa.