Narito ang ilang gamot na galing sa sibuyas:
1. Pananakit ng lalamunan - alisan ng balat ang sibuyas. Ang katas nito ay ihalo sa pinakuloang suka na kasingdami rin ng katas ng sibuyas.
2. Gamot sa rayuma - alisin ng balat ang sariwang sibuyas at ihalo sa kasingdami ring langis ng mustasa. Ito ay mabuting paghaplos.
3. Sakit ng ulo, himatay o pagkalason sa takbo o mga sugat - katas ng sibuyas ang ihalo sa kasingdami ring langis ng mustasa.
4. Pampalusog - sa mga bata ay makakapagpalusog ang sibuyas na may kasamang asukal.
5.Pampaalis ng bulate - ang katas ng sibuyas ay mabisang pampaalis ng bulate at iba pang parasitiko na nabubuhay sa tiyan.
6. Gamot sa sakit ng tainga - ang kinudkod na sibuyas ay maaaring linimento sa masakit na tainga.
7. Sa disenteriya - ang katas ng sibuyas na sinamahan ng gayon ding karaniwang suka ay mabuting gamot sa disenteriya.
8. Sa iskarbi-ang katas ng sibuyas na pinakulo at may asin ay mabisa sa sakit na iskarbi.