NAKADUNGAW sa bintana si Miranda at luhaang nakangiti kay ‘Padre Tililing’, sa ibaba ng 2-storey quarters ng mag-asawa.
Obvious na nawala ang lahat ng galit at hinanakit ni Miranda kay ‘Padre Tililing’.
Kitang-kita ni Simon na nabuhay ang pag-ibig sa puso ni Miranda-- sa bagong sulpot na multo!
Nagwala si Simon sa magkahalong galit at selos. Tinalon ang bintanang higit sa 12 feet ang taas!
“Aaaahh!” Napasama ang bagsak ni Simon sa damuhang lupa, napaaringking sa sakit. Gumulong sa lupa.
Napigil ng drum ng basura.
“Simooonn!” sigaw ni Miranda, naligalig sa lagay ng asawa, saglit na nalimutan ang suliranin ng puso.
Luhaang lumabas ng quarters si Miranda, dinaluhan agad si Simon.
Pero may nauna nang dumalo kay Simon – si ‘Padre Tililing’.
Parang hindi nakita ni Miranda ang makisig na multo, niyakap niya si Simon. “Simon, huwag kang mamamatay! Huwag na huwag!”
Unti-unti nang nakakabawi ng lakas ang legal husband. “M-Miranda...”
“Narito ako, Simon...”
“N-nasaan ang walanghiyang karibal ko? Magtutuos kami ni Tililing, Miranda! Ginugulo na niya tayo!”
Saka nila naunawaang wala na sa paligid ang multo.
Pero may tinig na umaalingawngaw sa kanilang pandinig. Tinig ng lalaki, palayo na. “Wala akong hangad na kaguluhan, Miranda, Simon...”
Nagkatinginan ang mag-asawa. Nalilito sila sa narinig—kung paniniwalaan o babale-walain.
ILANG guwardiya ng ospital ang dumalo sa kanila, inakalang nahulog sa bintana si Simon.
Dinala ito sa dispensary kasama si Miranda, nilapatan ng nararapat na pang-unang lunas ang mga galos.
Hundi nagtagal ay nakabalik na sa sariling quarters ang bagong “Napakahaba ng gabing ito, Simon. Ayokong mag-isip. Gusto ko nang matulog agad, mahal.” Hinalikan ni Miranda sa pisngi si Simon. (ITUTULOY)