38. SAMPA-SAMPALUKAN -Pangkaraniwang tumutubong damo. Ang pinaglagaan nito ay gamot sa may diperensiya sa pag-ihi. Ang dahon nito pagpinitpit ay mabuting pangtapal sa namamaga. Ito ay nakakalason sa mga isda.
39. SANTAN - Panlunas sa mga sakit ng tiyan at sinasabing lunas din sa mga sakit sa baga o pagkatuyo. Ilagay ang bulaklak nito sa kumukulong tubig at gamiting inumin ng maysakit ang tubig na pinakuluan.
40. SIBUYAS - Ang sibuyas na halos sa tuwi-tuwina’y ginagamit na sangkap sa ating pagkain ay napatunayan din ng siyensya na ito mabisa sa maraming sakit. Sa isang pagsubok na ginawa sa sibuyas ay may dalawampung klaseng gamot ang lumabas.
41. SITSIRIKA - Ang pinaglagaan nito ay gamot sa kanser. Mabuti rin sa sakit ng ngipin at mabuting inumin sa may sakit na diyabetes.
42. SORO-SORO - Panlunas sa mga sakit sa tainga, lalung-lalo na sa luga. Hugasan nang malinis ang murang dahon nito, patuyuin, basain ng malinis na langis, painitan sa apoy, dikdikin hanggang malanta, katasin, at ang katas ay patuluin sa sugat sa tainga.