Panaginip: Nagka-tattoo ako sa aking braso. Hindi ko maipaliwanag kung bakit ako nagkaroon nito. Natitiyak kong pagagalitan ako ng aking ina kaya pinoproblema ko ito. Isa pa ay ayoko ng tattoo, nakakarumi ito ng aking balat. Ang tattoo ay may mukha ng babae, buwan at musical symbol.---LJ
Interpretation: May kaugnayan ang iyong panaginip sa stress na nararanasan mo sa kasalukuyan. Nag-aalala ka na baka iwanan ka ng isang minamahal. Kung hindi naman ganoon, may bad habits ka na kailangang alisin sa iyong sistema dahil aware ka na makakasama ito sa iyong reputasyon.