PANAKAW ang pagtatalik nina Miranda at Simon, sa likuran ng hardin, sa dilim ng gabi sa lupang nalalatagan ng mala-bermuda sa lambot na damuhan.
Maraming beses ang pag-uugnay, tila walang pagkasawa.
Inuusal nila ang luwalhating ulit-ulit na nadama; ibinubulong ang ngalan ng isa’t isa,
“Ako’y sa iyo lamang, Simon. Mahal na mahal kita.”
“Ang buhay ko’y magsisimula at magtatapos na ikaw lamang ang mahal, Miranda.”
Napagod na yata ang mga bituin pati buwan—sa tagal ng kanilang pulut-gata.
Gayunma’y nakadama rin sila ng labis na pagod. Kusa na silang tumigil.
Nagbalik sila sa kanilang lugar, sa room sa pagamutan.
“Ako ba ang first love mo, Simon?” malambing na tanong-bulong ni Miranda, hawak ang kamay ng brandnew husband.
Umiling si Simon. “Nalimutan mo na ba, Miranda—bago ikaw ay meron muna akong Elinor...”
“OO nga pala, naalala ko na, Simon.”
“Tulad mo’y napakaganda ni Elinor, Miranda. We were young lovers then, sa elementary...”
Mangha si Miranda. “May gatas pa kayo sa labi.”
“Oo, gatas ng kalabaw. Hindi uso noon sa amin ang gatas ng baka, Miranda.”
Naaaliw ang smuggling queen. “Ano pa, kuwentuhan mo pa ako tungkol sa inyo ni Elinor.”
Bumuntunghininga si Simon. “Marami akong kaaway sa kanya—mga pinsan at manliligaw, mga kaibigan niya, nanay at tatay niya—hindi raw ako bagay kay Elinor.”
“Diyosa ba siya sa ganda?” tanong ni Miranda.
Umiling si Simon. “Mas tamang sabihin na si Elinor ay napaka-simpatika. Matatalo niya sa eleksiyon ang sinumang kalaban.”
“Wow!” sambit ni Miranda, genuine ang paghanga sa unang pag-ibig ni Simon.
“Bungi pa noon ang front tooth ni Elinor, ha!” Proud si Simon. (ITUTULOY)