^

Para Malibang

The ghost of ‘Padre Tililing’(30)

TALES FROM THE OTHER SIDE - Pang-masa

HANDA na sina Miranda at Simon sa paggawa ng supling. Pero may naalala ang mabait na binata. “Mam Miranda, hindi pa nga pala tayo kasal...”

Wala pang basbas ng Diyos, ibig sabihin ni Simon.

Walang huwes, walang pari sa lugar.

  “Iniibig mo na ba po ako, Mam Miranda?” nanliliit na tanong ni Simon sa smuggling queen.

 Sunud-sunod ang tango ni Miranda, nagni­ningning ang mga mata—obviously a woman in love. “Sa iyo lang muling tumibok ang puso ko, Simon.”

 Hindi naikaila ni Simon ang kasiyahan.

 “At ikaw, Simon, mahal mo na ba ako?”

 Ngumiti ang binata, tumango, tumingala. “Ka­sing taas po ng Langit a-ang pag-ibig ko sa iyo, Mam Miranda.

 Nakapagnakaw sila ng matatamis na halik.

 Mayamaya pa ay ikinakasal na nila ang mga sarili. “Ako, si Miranda, ay nangangakong magi­ging mabuting kabiyak ni Simon, my Lord.”

 ‘My Lord’, nakasiya nang labis kay Simon na kumikilala na nga sa Panginoon si  Miranda.

“Ako, si Simon, ay nangangakong magiging mabuting mister ni Mam Miranda.”

 “Simon, wala nang Mam. Miranda na lang. Magka-edad tayo.”

 Umulan ng dahon ng ilang-ilang. Itinuring ito ng mga bagong kasal na basbas ng Langit.

 At bigla’y na­ging kulay-rosas ang kanilang paligid. Nakadama sila ng peace of mind. Walang dudang sila’y nagmamahalan.

Magkakapit-kamay sila, magkadikit sa upuan sa labas ng ospital.

“Ano ba raw ang sakit natin, Simon?”

 Ang general term ng sakit nila ay trauma, sagot ni Simon. Ang dinanas na hirap nila sa dagat ang patuloy na ginagamot ng mga duktor.

 “Kailan kaya tayo makakagawa ng bata? Tumatakbo ang panahon, Simon.”

 SA GABING iyon ay tila nakiisa sa kanila ang Langit. Nasa hardin sila nang mawalan ng kuryente; tatagal ng apat na oras.

 Tao lamang sina Simon at Miranda. Hindi mga santo at santa.

 Nahiga sila sa damuhan, saksi ang mga bituin. They made love. ITUTULOY

ANO

DIYOS

LANGIT

MAM MIRANDA

MIRANDA

MY LORD

SIMON

WALANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with