21. LAGUNDI - Ang pinulbos na bulaklak nito ay mabuti sa dugo. Ang prutas nito ay mabuti sa sakit ng ulo at ubo. Ang pinaglagaan ng dahon ay mainam na panglanggas ng sugat.
22. LUYANG DILAW - Ang dahon nito ay mahaba at ang bulaklak ay dilaw na kung minsan ay may bahid na rosas. Ang ugat nito ay dilaw na parang luya. Ang dinkdik na ugat nito ay mabuti sa mga pasa at rayuma.
23. MABOLO - Panlunas sa malimit na pagdumi o pagkukurso, Kumain ng maraming bungang hinog nito hanggang hindi tumigil ang mainit na butuan o butuhan.
24. MAIS - Ang buhok nito ay ginagawang tsaa ay mabuti sa binabalisawsaw. Mabuti rin sa sakit sa bato.
25. MALATABAKO - Ang pinaglagaan ng ugat nito ay mabuti sa malimit ng pagdumi. Mabuti rin sa sakit na dinadaanan ng ihi. Ang dahon nito ay mainam na pangkuskos ng plato kapag naghuhugas ng kinainan.
26. MALUNGGAY - Ang Malunggay ay sagana sa bitamina A. Ang dahon at bunga nito ay masarap igulay. Ito ay nagpapadagdag ng gatas ng inang nagpapasuso. Gamot din ito sa sugat. Lamukusin lamang ang dahon at ipahid o itapal sa sugat. Ito ay nakabubuti rin sa hindi natunawan.