^

Para Malibang

Herbal Medicines (1)

BODY PAX - Pang-masa

Sa panahon ngayon ay masyadong mahal ang mga gamot na ating binibili kaya naman karamihan sa ating mga kababayan ay naghaha­nap ng mga alternatibong gamot. Isa sa mga alternatibong gamot ay ang paggamit ng halamang gamot na epektibo na makapagbibigay pa ng natural na kagalingan kumpara sa mga mamahaling gamot. Marami sa ating mga halaman ang bukod sa nakakain ang bunga o dahon ay nakapagbibigay sa atin ng kaila­ngang lilim kung panahon ng tag-init ay nagagamit pa ring panlunas sa iba’t ibang karamdaman.

Ang sumusunod na mga halaman ay pawang nagagamit na panlunas sa iba’t ibang karamdaman.

1. AKASYA - Ang akasya ay tumutubo kahit saan. Ang mga dahon nito o balat ng kahoy ay inilalaga at ipinaiinom sa nag-tatae o sa masakit ang tiyan.

2. AMPALAYA - Ang ampalaya ay mabuti sa diyabetes, at sa hindi magka-anak, mabuti rin sa mga sakit sa balat. Maraming paraan ng paggagamot ang ampalaya.

3. ATSUWETE - Panlunas sa karaniwang sakit ng ulo. Basain ng malinis na langis ang mga dahon nito, painitan sa apoy, at itapal sa noo. Upang mapanatili ang tapal ay kailangang gumamit ng kapirasong damit na malinis o isang panyolito. Ang atsuwete ay mabuti para sa mga sakit sa regla ng mga babae at nalilinis nito ang obaryo nila. Ito ay mabuti ring gamot sa mga sugat, galis, at nalulugas na buhok.

4. BANABA - Panlunas sa mga sakit sa bato. Ilagay ang nalinis na mga dahon nito sa kamukulong tubig at inumin ang tubig na pinakuluan. Ang puno ng banaba ay mabuting gamot sa sakit na diabetes, sakit sa bato, sakit sa pantog at alta presyon.

5. BAWANG - Ang dinikdik na bawang ay mabuting pampalambot ng pigsa. Ang katas nito ay mabuting pampurga. Mabuti ring itapal sa rayuma.

BASAIN

GAMOT

ILAGAY

ISA

PANLUNAS

SAKIT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
March 18, 2020 - 12:00am
fbtw
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with