Alam n’yo ba na mas tataba ka kapag kulang ang iyong tulog? Sa isang pag-aaral ng American Journal of Physiology, ang taong apat na ora lang natutulog araw-araw ay mas lalong tumataas ang pagnanais na kumain ng mga pagkaing matatamis at maaalat. Dahil dito, napaparami ang kain ng isang taong kulang sa tulog, kumpara sa taong sapat ang pahinga at tulog araw-araw. Bunsod din ng kakulangan sa tulog, mas iniisip ng tao na daanin niya sa pagkain ang panghihina ng kanyang katawan dahil sa kakulangan ng pahinga. Bumabagal din ang metabolismo ng katawan ng isang taong kulang sa tulog, kaya hindi nasusunog sa kanyang katawan ang mga taba at cholesterol na nakakasama sa kanyang kalusugan.