Alam n’yo ba na ang kawayan ay namumulaklak lang kada 12-taon? Minsan, ang iba ay inaabot pa ng 30-60-taon bago magkaroon ng bulaklak. Bago pa man sumapit ang Stone Age, ginagamit na ng mga Chinese ang bamboo sa paggawa ng flute. Ginagamit din ito noong unang panahon sa paggawa ng papel. Sa katunayan ilan sa mga Chinese records ay nakasulat sa kawayan noong 8th Century B.C. Naniniwala ang mga Ancient Greeks na ang mga bakang kumakain ng sariwang oregano ay mas malinamnam kumpara sa mga bakang ordinaryong damo lang ang kinakain. Ayon kay ilang pagsusuri noon, ang mga pawikan na nakakain ng maliliit na ahas ay kinakailangan na pakainin agad ng oregano upang hindi ito mamatay. Mabisa rin ang oregano bilang pampakalma ng ugat at pampagaling ng sakit na nakukuha sa dagat.